Champion swimmer, wagi sa Milo Marathon Metro Manila Leg

Aubrey Tom
facebook

MANILA, Philippines — Huwag na kayong mag­taka kung muli ninyong makita sa susunod na Milo Marathon si swimming sensation Aubrey Tom.

Sa Metro Manila eliminations ng 2019 National Milo Marathon ay itinakbo ng 12-anyos na tubong Cainta, Rizal ang gold medal sa girls’ 3-kilometer race noong Hulyo 28 sa Mall of Asia Grounds sa Pasay City.

Ito ang unang pagkakataon na tumakbo si Tom sa isang marathon event.

“It’s my first time to join Milo National Marathon,” wika ni Tom. “It was really fun because I was with my teammates. There was a huge number of runners like my age, and they are all good. I didn’t expect to win the race. I just did my best.”

Nagtala si Tom ng bilis na 12 minuto at siyam na segundo para pamunuan ang 3K event ng Metro Manila Leg ng National Milo Marathon kasunod sina Aubrey Mata (0:14:00) at Franchesca Maxine Mendoza (0:14:01).

Ang sixth-grader mula sa International Learning Academy sa Cainta ay lumangoy ng limang gintong medalya sa nakaraang 2019 Philippine National Youth Games-Batang Pinoy sa Ilagan, Isebala.

Nagdomina si Tom sa girls’ 12-under 50m freestyle, 100m freestyle, 50, butterfly, 50m backstroke at 200m individual medley.

Dalawang gold me­dal naman ang kanyang nilangoy sa 2019 Pala­rong Pambansa sa Davao City sa kanyang naipanalong elementary girls’ 50m freestyle at nakasama sa 4x100m freestyle ng Calabarzon team.

Ayon kay Tom, nagkaroon siya ng interes na sumali sa Milo Marathon dahil sa kanyang mga swimming teammates.

“Actually the day before the race, I had a swimming competition in Marikina,” sabi ni Tom.

“Not so much of preparation in running because I regularly train in swimming. But I think it helped,” dagdag pa ni Tom sa tulong na naibigay ng pagsali niya sa Milo Marathon.

Hindi lamang si Tom ang lumahok sa Milo Marathon kundi maging ang kanyang ina na tumakbo sa 10K, ngunit hindi nakatapos sa Top 10.

Bagama’t nakatutok sa kanyang training sa swimming pool ay ikinukunsidera pa rin ni Tom ang paglahok sa Milo Marathon bilang ikalawa  niyang sports.

“I will still focus in swimming because that is my passion. But I can also join some events in running,” sabi ni Tom.

Show comments