PSN Live | ONE: Dawn of Heroes

MANILA, Philippines — Muling nagbabalik ang pinakamalaking martial arts organization sa Pilipinas ngayong gabi sa pag-arangkada ng ONE: Dawn of Heroes sa SM Mall of Asia Arena.

Siksik sa 15 umaatikabong bakbakan, nakataya ang dalawang championship titles Biyernes.

Para sa dalawang main events, maghaharap sina ONE flyweight Muay Thai world champion Jonathan Haggerty ng United Kingdom at Rodtang Jitmuangnon ng Thailand.

Nakataya rin ang ONE featherweight title ng Vietnamese-Australian ni Martin Nguyen laban sa Hapon na si Koyomi Matsushima.

Lalahukan din ito ng limang Pinoy fighters na pare-parehong miyembro ng Team Lakay gaya nina Eduard Folayang, Danny Kingad, Geje Eustaquio, Honorio Banario at Edward Kelly.

Makabawi kaya ang Lakay sa kanilang sunod-sunod na talo nitong nakaraan?

Alamin sa PSN Live | ONE: Dawn of Heroes.

Show comments