MANILA, Philippines — Bukod kay Manny Pacquiao, dalawa pang Filipino boxers ang nagposte ng magkahiwalay na impresibong panalo sa undercard kahapon sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.
Nagposte si top flyweight prospect Genisis Libranza (19-0-1, 10 KOs) ng fourth-round KO victory laban kay Carlos Maldonado (11-4-0,7 KOs) ng Los Angeles, samantalang pinahinto naman ni unbeaten flyweight John Leo Dato (12-0-1, 8 KOs) si Juan Antonio Lopez (12-0-1, 8 KOs) sa fifth round.
Nabigo naman si JayAr Inson (18-3-0, 12 KOs) na ipanalo ang kanyang laban nang mapabagsak ni Kazakhstan fighter Sergey Lipinets (16-1-0, 12 KOs) sa second round para sa World Boxing Organization intercontinental welterweight title.
Ang 28-anyos na si Inson ang pumalit sa 36-anyos na si John Molina Jr. (30-8-0, 24 KOs) na nagkaroon ng back injury.