Foton babawian ang Generika-Ayala sa 2nd round

Nais ng Foton na makabawi sa kanilang tinamong 25-22, 24-26, 19-25, 17-25 pag­katalo sa Generika-Aya­­­­la sa first round noong Hun­yo 20.

MANILA, Philippines — Hangad ng two-time champion Foton na maka­res­bak sa Generika-Ayala sa second round ng 2019 Philippine Superliga All-Fi­lipino Conference sa The Are­na sa San Juan City.

Muling magtutuos ang Tor­nadoes at Life­savers nga­­yong alas-6 ng gabi ma­­tapos ang duwe­lo ng Cig­­nal at Sta. Lucia Realty sa alas-4 ng hapon.

Nais ng Foton na makabawi sa kanilang tinamong 25-22, 24-26, 19-25, 17-25 pag­katalo sa Generika-Aya­­­­la sa first round noong Hun­yo 20.

Nakasakay ang Tornadoes sa five-game winning streak kabilang ang 25-21, 25-21, 25-15 demolisyon sa PLDT Home Fibr noong Huwebes.

Mabagsik ang Foton da­hil nariyan sina Dindin Manabat at Jaja Santiago na pangunahing inaasahan ng tropa.

Gumawa si Manabat ng 14 points sa naturang laro, habang nagdagdag si Santiago ng 10 kills, 2 blocks at 1 ace para tulu­ngan ang Tornadoes na ma­­kuha ang solong No. 3 spot tangan ang 6-3 marka.

“We can’t be conten­ded because there are still things that we have to work out as a group for us to win con­vincingly,” ani Foton head coach Aaron Velez.

Pakay naman ni Gene­rika-Ayala coach Sherwin Me­neses na maibangon ang kanyang bataan mula sa three-set loss sa Petron no­ong Martes.

Show comments