^

PSN Palaro

Unity gathering ng Team Phl itinakda sa Malacañang

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Unity gathering ng Team Phl itinakda sa Malacañang
Philippine Sports Commission chairman at Chief of Mission William “Butch” Ramirez

MANILA, Philippines — Magkakaroon ng pagtitipon para sa pagkakaisa ang Team Philippines sa Mi­­yerkules sa Malacañang Palace ground sa Manila.

Ang nasabing okasyon ay dadaluhan ng mga Na­tio­nal Sports Associations (NSAs) na sasabak sa 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre 30 hanggang sa Disyembre 11 sa New Clark City-Tarlac, Subic, Metro Manila at Tagaytay City, ayon kay Philippine Sports Commission chairman at Chief of Mission William “Butch” Ramirez.

Inimbitahan din sa unity gathering ang mga matataas na opisyal ng Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Sea Games Organizing Committee (Phisgoc) na pinamunuan ni Taguig Rep. Alan Peter Ca­yetano para magpaha­yag sa kanilang suporta sa ikaapat na hosting ng bansa sa SEA Games.

“If we want to win as one, we should embrace a united front,’’ ani Ra­mirez ma­tapos ang mee­ting ka­sama sina Executive Sec­retary Salvador Medial­dea, Sen. Bong Go, Cayetano at Presidential Spokesperson Salvador Panelo noong Hu­webes sa Malacañang.

Nakatakda ang nasabing pagtitipon sa alas-10 ng umaga.

“One team, one goal. The country should come together and be united in supporting this government effort,’’ dagdag pa ni Ra­mi­rez, ang PSC chairman at Chief of Mission ng Team Philippines nang makamit ang overall crown noong 2005 Ma­nila SEA Games.

TEAM PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with