MANILA, Philippines — Naniniwala si Go For Gold Philippines godfather Jeremy Go na makakakita siya ng halos 10,000 Pinoy na babasag sa Guinness World Record para sa pinakamaraming bilang ng mga taong nagdidribol nang sabay-sabay.
Nakatakda bukas ng alas-4 ng hapon ang tangkang pagsira sa nasabing record sa Mall of Asia Concert Grounds sa Pasay City.
“Being a SEA Games year, we want to be able to encourage a lot of Filipinos to be active in supporting sports and our national athletes,’’ wika ni Go.
Ang mga gustong lumahok ay maaaring magpalista sa www.goforgoldworldrecordattempt.com o dumiretso sa venue para makakuha ng libreng jersey mula sa Go for Gold.
Ang pagpaparehistro ay magsisimula sa alas-2 ng hapon.
Ang record na 7,556 dribblers ay naitala noong Hulyo 22, 2010 sa event na inorganisa ng United Nations Relief and Works Agency sa Rafah, Gaza Strip sa Palestine.
Kumpiyansa si Go na kaya ng mga Pinoy na magtala ng panibagong Guinness World record.