MANILA, Philippines — Muling nagsosyo ang Davao Occidental Tigers at Cocolife sa kampanya sa 2019 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakandula Cup kung saan pumapangalawa ang Datu Cup runner-up sa kanilang 3-1 win-loss kartada sa Southern Division.
Pinirmahan mismo ni Dumper Party List Congresswoman Claudine Bautista at Cocolife President Atty. Jose Martin Loon ang kasunduan sa isang pormal signing ceremony na ginanap sa Cocolife Function Hall sa Makati City.
Nasaksihan mismo ng mga players, coaching staff at team managers ang nasabing kasunduan na mas lalong nagbigay inspirasyon sa buong koponan upang makamit ang asam na national title sa season na ito.
“Our partnership with Cocolife got stronger and deeper in continuing our team’s winning tradition,” sabi ni team owner Bautista.
Dinaluhan din nina Cocolife FVP Joseph Ronquillo, AVP Rowena Asnan,AVPJames Dellava, SVP Fraz Joie Araque, team manager Bong Baribar at asst. team manager Ray Alao, coaches Rob Wainwright Arvin Bonleon at Manu Inigo ang naturang pirmahan ng kasunduan.