Cauley-Stein, Robinson hinugot ng Warriors
OAKLAND, California -- Matapos mapapayag sina shooting guard Klay Thompson at back-up center Kevon Looney na manatili, nakuha naman ng Golden State Warriors sina center Willie Cauley-Stein at forward Glenn Robinson III.
Ito ay bahagi ng pagbangon ng Warriors matapos silang iwanan ni top scorer Kevin Durant para lumipat sa Brooklyn Nets.
Hindi pa maaaring magpapirma ng kontrata ang mga NBA teams sa mga players hanggang hindi natatapos ang NBA moratorium period sa Sabado.
Nagposte si Cauley-Stein, ang No. 6 pick noong 2015 Draft, ng mga averages na 10.1 points at 6.4 rebounds para sa Sacramento Kings sa nakaraang season.
Galing naman si Robinson sa Detroit Pistons, ang kanyang ikaapat na NBA team, sa nakaraang season.
Samantala, pinaplantsa naman ni All-Star point guard Ben Simmons at ng Philadelphia 76ers ang isang $170 million, five-year extension.
Nauna nang napapayag ng 76ers sina Tobias Harris at Al Horford na lumagda sa $180 million, five-year deal at $109 million, four-year contract, ayon sa pagkakasunod.
Pumayag naman ang Utah Jazz sa one-year, $2.5 million deal para kay veteran forward Jeff Green.
- Latest