Boss Emong inangkin ang second leg ng Philracom Triple Crown series

Nasa likuran ng Best Regards ang Boss Emong nang gumawa ng hakbang sa huling 600 metro kasabay ang Jayz sa karera na nagtampok sa mga pinakamahuhusay na three-year-olds.

MANILA, Philippines — Ipinakita ng Boss Emong kung sino ang tunay na hari matapos talunin ang paboritong Real Gold sa second leg ng Philippine Racing Commission 2019 Triple Crown se­ries sa Saddle and Clubs Leisure Park sa Naic, Cavite no­ong Linggo.

Nasa likuran ng Best Regards ang Boss Emong nang gumawa ng hakbang sa huling 600 metro kasabay ang Jayz sa karera na nagtampok sa mga pinakamahuhusay na three-year-olds.

Tuluyan nang naagaw ng Boss Emong ang unahan kasunod ang Jayz bago akayin ni jockey Dan Camañero ang kabayo para idiskaril ang hangarin ng first-leg champion na Real Gold na makalapit sa Triple Crown.

“Sinunod ko lang po ang bilin nila boss, kung hindi ka­ya mauna, sunod, sunod lang kami. Pero noong last 600, kinuha ko na,” wika ni Camañero. “May bisyo talaga itong Boss Emong, humihinto kaya nakahabol ang iba pero itinodo ko na sa huli.”

Ang panalo ng Boss Emong ang nagbigay ng prem­yong P1.8 milyon kay horse owner Edward Vincent Diok­no, personal na tinanggap ang champion's trophy mu­la kina Philracom Commissioners Aurelio De Leon at Victor Tantoco, Philippine Racing Club Inc. Manager Oyet Al­casid Jr. at PRCI Handicapper Tony Selda.

Sumegunda ang Real Gold para sa premyong P675,000 ni owner C&H Enterprises kasunod ang Jayz na pagmamay-ari ng SC Stockfarm na nagtakbo ng P375,000 sa nasabing 1,800-meter race.

Show comments