Durant, Irving sa iisang team?

Ito ay matapos ang sinasabing pagkikita nina Durant at Irving dito sa lungsod.

NEW YORK CITY-- Posible nga bang magsama sa iisang koponan sina forward Kevin Durant at point guard Kyrie Irving sa susunod na season?

Ito ay matapos ang sinasabing pagkikita nina Durant at Irving dito sa lungsod.

Ayon kay Ric Bucher ng Bleacher Report sa “The Herd with Colin Cowherd” sa Fox Sports Radio, ang pag-uusap ng dalawang basketball superstars ay maaaring mangahulugan na hindi na maglalaro si Durant para sa Golden State Warriors.

Sumailalim si Durant sa isang surgery sa New York City para sa isang ruptured Achilles na nalasap niya sa Game Five ng nakaraang NBA Finals series sa pagitan ng Warriors at nagkampeong Toronto Raptors.

 Plano naman ni Irving na umalis sa Boston Celtics sa sandaling maging free agent siya sa Hunyo 30 at isa ang Brooklyn Nets sa maaari niyang puntahan.

Sinasabing handa ang Nets na ibigay kay Irving ang isang max contract.

Sa New Orleans, pu­mayag na ang New Orleans Pelicans na ibigay si six-time All-Star Anthony Davis sa Los A­ngeles Lakers kapalit nina point guard Lonzo Ball, forward Brandon Ingram, shoo­ting guard Josh Hart at tatlong first-round draft choices.

Ang nasabing trade ang bubuo sa tambalan ng 26-anyos na si Davis, hiniling sa Pelicans na mai-trade noong Enero at ng 34-anyos na si superstar LeBron James sa kampo ng Lakers. 

Show comments