^

PSN Palaro

Manila Bay Clean Up Run registration nagsimula na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinimulan na ng Manila Broadcasting Company ang pagpaparehistro para sa ikaanim na Manila Bay Clean Up Run na gaganapin sa July 7.

Ito ay bukas sa lahat ng interesadong tumakbo sa  3K, 5K, 10K  at 21K dibisyon na panlalaki at pambabae.  

Magkakamit ng medalya at  cash prizes ang magwa­wagi sa bawat kategorya. 

Maaari nang magpalista sa MBC lobby, Sotto Street, CCP Complex, Pasay City mula Lunes hanggang Linggo mula alas-9 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.

Bukas na rin ang registration sa Olympic Village branches sa Robinsons Forum, Festival Mall at Far­mers Pla­za mula Martes hanggang Linggo ng alas-12 ng tanghali hanggang alas-6 ng gabi. 

Ang huling araw ng pagpapatala ay sa Hunyo 30.

Ang funrun ay isa lamang sa mga proyektong nakakapag-ambag ng pondong kailangan sa pagpapatupad ng programa sa paglilinis ng Manila Bay. 

Patuloy na tumutugon ang MBC at iba pang mga es­tablisimiyento sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa pa­nawagan ng Land Bank na maibsan ang basura at linisin hindi lamang ang karagatan kundi maging mga ilog, estero at iba pa’ng maliliit na daluyan ng tubig na karugtong nito. 

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Manila Bay Clean Up Run ay maaaring tawagan ang Runners Link sa 0926.205.2787.

MANILA BAY CLEAN UP RUN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with