Algieri tiwalang tatalunin ni Pacquiao si Thurman

Alam ni Algieri ang tindi ng kamao ni Pacquiao.

MANILA, Philippines — Tiwala si World Bo­xing Organization (WBO) international junior welterweight champion Chris Algieri na mapapabagsak ni reigning WBA regular welterweight champion Manny Pacquiao si Keith Thurman sa kanilang bakbakan sa Hulyo 20 (Hulyo 21 sa Maynila) sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Alam ni Algieri ang tindi ng kamao ni Pacquiao.

Naramdaman na ito ni Algieri matapos lumasap ng unanimous decision loss sa Pinoy champion noong 2014 sa Cotai Arena sa Macau.

“Honestly, I think Manny can win that fight. Yeah. Yeah. Manny’s incredible, for one. It’s amazing that he’s at the age that he’s at now and he’s still beating top fighters, he’s still willing to take these top fights,” ani Algieri sa panayam ng Bad Lefthook.

Muling nasaksihan ni Algieri ang bagsik ni Pacquiao dahil personal itong nanood sa Malaysia nang pulbusin ng eight-division world champion si Lucas Matthysse.

 Naniniwala si Algieri na nananatili ang bagsik ni Pacquiao sa kabila ng edad nitong 40-anyos.

Mas matatangkad ang mga boksingero sa welterweight division kumpara kay Pacquiao subalit hindi ito nakikitang problema para kay Algieri.

Show comments