MANILA, Philippines — Ang Ateneo covered courts ang muling pagdarausan ng volleyball at basketball classes ng multi-awarded Best Center (Basketball Efficiency and Scientific Training Center).
Itinakda ang mga clinics sa Hunyo 4 hanggang 15 tuwing Martes, Huwebes at Sabado sa ganap na alas-8-11:30 ng umaga.
Ang basketball clinics ay para sa mga estudyante sa Preparatory Level at Levels 1, 2, 3 at 4 habang ang Levels 1, 2 at 3 ay iniaalok sa volleyball clinics.
Ang nasabing event ay itinataguyod ng Milo at suportado ng Rain or Shine, Chris Sports at SKLZ.
Para sa mga detalye ay maaaring tumawag sa 372-3065 at 411-6260 o mag-email sa bestcenter.inquiry@gmail.com.