2019 SEAG Chef De Mission tinanggap na ni Ramirez

Sa ikalawang pagkakataon ay tatayong Chef De Mission ng Team Philippines si Ramirez sa darating na 30th Southeast Asian Games na pamamahalaan ng bansa sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Laban, bawi!

MANILA, Philippines — Bagama’t tinanggihan ang alok noong Martes ng hapon, pero kinagabihan ay tuluyan nang tinanggap ni Philippine Sports Commission chairman William ‘Butch’ Ramirez ang isang trabahong pamilyar sa kanya.

Sa ikalawang pagkakataon ay tatayong Chef De Mission ng Team Philippines si Ramirez sa darating na 30th Southeast Asian Games na pamamahalaan ng bansa sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Ang PSC chief ang umaktong Chef De Mission ng bansa noong 2005 SEA Games.

“I do this for the interest of unity,” ani Ramirez kahapon. “Through this, I express my solid support to the Philippine Olympic Committee and the Philippine South East Asian Games Organizing Committee. We must stand as one.”

Si Ramirez ang pumalit kay Monsour del Rosario sa nasabing posisyon na isa sa mga tinanggal ni Philippine Olympic Committee president Ricky Vargas sa General Assembly kamakailan.

Bukod kay del Rosario, inalis din ni Vargas sa kanilang mga puwesto sina  dating POC head Jose ‘Peping’ Cojuangco  Jr. bilang chairman ng constitutional amendments committee, Jose Romasanta bilang Chef De Mission sa 2020 Olympic Games sa Tokyo, Japan, Robert Bachmann bilang membership committee head at CDM deputy Charlie Ho.

Nanawagan si Ramirez ng pagkakaisa sa hanay ng mga sports officials para sa matagumpay na pamamahala at kampanya ng bansa sa 2019 SEA Games.

Handa naman si Vargas para sa isang eleksyon na gustong ipatawag ng kampo ni Cojuangco.  

Show comments