Mitchell ipaparada ng NLEX vs NorthPort

MANILA, Philippines — Ipaparada ng NLEX ang orihinal nilang import na si Tony  Mitchell sa pagsagupa sa NorthPort sa 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Habang hinihintay ang pagdating ng 6-foot-8 na si Mitchell ay pansamantalang ginamit ng Road Warriors si Curtis Washington sa kanilang 87-102 pag­yukod sa TNT Katropang Texters noong Miyerkules.

“When Tony became available, and he was already in the country, we decided to pursue our original plan,” sabi ni head coach Yeng Guiao kay Mitchell.

Nagmula si Mitchell sa title victory sa Taiwan Super Basketball League at inaasahang nasa magandang kondisyon sa paglalaro niya para sa NLEX.

Naglaro ang 27-an­yos na si Mitchell sa PBA noong 2017 PBA Commissioner’s Cup para sa Star Hotshots bago pinalitan ni Ricardo Ratliffe.

Sa kanyang walong laro para sa Hotshots ay nagtala si Mitchell ng mga averages na 21.25 points, 14.4 rebounds at 2.8 blocks per game.

Show comments