^

PSN Palaro

Lady Eagles, Tigresses pukpukan sa Game 1

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Lady Eagles, Tigresses pukpukan sa Game 1
Nakatakda ang sagupaan ng Lady Eagles at Tigresses sa alas-4 ng hapon matapos ang engkuwentro ng NU Bulldogs at FEU Tamaraws sa alas-12 ng tanghali sa Game 1 ng men’s division.

MANILA, Philippines — Sisimulan ngayon ng top seed Ateneo Lady Eagles at second seed University of Santo Tomas Tigresses ang kanilang best-of-three Finals series ng Season 81 UAAP women’s volleyball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Nakatakda ang sagupaan ng Lady Eagles at Tigresses sa alas-4 ng hapon matapos ang engkuwentro ng NU Bulldogs at FEU Tamaraws sa alas-12 ng tanghali sa Game 1 ng men’s division.

Matatandaang na­nga­ilangan ang Lady E­agles ng dalawang laro sa semifinals bago napatalsik  ang FEU Lady Tamaraws noong Mayo 8 habang  sa isang laro lamang nakuha agad ng Tigresses ang unang Finals berth laban sa three-peat champion De La Salle Lady Spikers noong Mayo 5.

Ang halos isang linggong pahinga ng Tigresses ay malaking bentahe sa kanilang unang pagtatagpo sa Finals ng UAAP,  ayon kay Ateneo coach Oliver Almadro na sumali sa torneo noong 1978 lamang.

Hangad ng Lady E­agles ang ikatlong wo­men’s title na huli nilang inangkin noong 2015  sa panahon ni Alyssa Valdez habang ang Tigresses ay  target ang pang-17th na korona mula noong 2010 sa panahon naman ni Rhea Dimaculangan. Huli silang pumasok sa Finals noong 2011 ngunit nabigo sila sa La Salle..

Samantala, nakopo ni Sisi Rondina ng UST ang women’s MVP award habang nakuha rin ng kanyang teammate na si Eya Laure ang Rookie of the Year honor.

Bukod sa MVP,  inangkin din ni Rondina ang Season Best Open Spiker at Best Scorer honor.  

vuukle comment

ATENEO LADY EAGLES

SEASON 81 UAAP WOMEN’S VOLLEYBALL

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS TIGRESSES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with