MILWAUKEE — Matapos matalo sa Game One ay apat na sunod na panalo ang inangkin ng Bucks patungo sa kanilang unang Eastern Conference finals stint sapul noong 2001.
Humakot si superstar Giannis Antetokounmpo ng 20 points, 8 rebounds at 8 assists para pamunuan ang Milwaukee sa 116-91 pagsibak sa Boston Celtics sa Game Five ng kanilang semifinals series.
Nagdagdag si Khris Middleton ng 19 points at 8 rebounds habang may 18 markers si Eric Bledsoe para sa Bucks, haharapin ang mananalo sa semifinals series sa pagitan ng Toronto at Philadelphia.
Bitbit ng Raptors ang 3-2 lead laban sa 76ers.
Pinangunahan naman ni Kyrie Irving ang Celtics mula sa kanyang 15 points kasunod ang tig-14 mar- kers nina Jayson Tatum at Marcus Morris.
Sa Oakland, California, nalusutan ng Golden State Warriors ang Houston Rockets, 104-99 sa Game Five para kunin ang 3-2 abante sa kanilang Western Conference semifinals duel.
Tumipa si Klay Thompson ng 27 points, kasama ang mahalagang layup sa huling 4.1 segundo para sa panalo ng Warriors.
Nagkaroon naman si Kevin Durant, naglista ng 22 points, 5 rebounds at 4 assists, ng calf injury matapos ang kanyang baseline jumper sa third period.
“I thought, I’ve seen that before with guys who have hurt their Achilles. That was my first question and I was assured it’s the calf,” sabi ni coach Steve Kerr sa injury ni Durant.
Ipinoste ng Warriors ang 57-37 kalamangan sa first half hanggang maagaw ng Houston ang 69-68 abante sa third quarter.
Pinamunuan ni James Harden ang Rockets galing sa kanyang 31 points.