Nuggets, Raptors puro na sa Conference Finals

Humakot si Nikola Jokic ng 25 points at dinuplika ang team playoff high na 19 rebounds para akayin ang Denver sa 124-98 panalo sa Portland Trail Blazers sa Game Five at kunin ang 3-2 bentahe sa kanilang semifinals series.
AFP

DENVER -- Isang panalo na lang ang kailangan ng Nuggets para umabante sa una nilang Western Confe­rence Finals matapos ang isang dekada.

Humakot si Nikola Jokic ng 25 points at dinuplika ang team playoff  high na 19 rebounds para akayin ang Denver sa 124-98 panalo sa Portland Trail Blazers sa Game Five at kunin ang 3-2 bentahe sa kanilang semifinals series.

Maaari nang sibakin ng Nuggets ang Trail Blazers kung mananalo sa Game Six sa Huwebes sa Portland.

Umiskor si Paul Millsap ng 19 sa kanyang 24 points sa first half para tulungan ang Denver na iposte ang 28-point lead papasok sa fourth quarter at hindi na nilingon ang Portland.

Binanderahan ni Damian Lillard ang Trail Blazers mula sa kanyang 22 points.

Sa Toronto, nagposte si Kaw hi Leonard ng 21 points at 13 rebounds  habang humataw si Pascal Siakam ng 25 points para tulungan ang Raptors sa 125-89 pagdurog sa Philadelphia 76ers sa Game Five at kunin ang 3-2 bentahe sa kanilang Eastern Conference semifinal series.

Maaari nang umabante ang Toronto sa Eastern Conference finals sa ikalawang pagkakataon sa hu­ling apat na seasons kung mananalo sa Game Six sa Philadelphia sa Martes.

Kung magwawagi naman ang 76ers ay gagawin ang Game Seven sa Toronto sa Linggo.

Nagdagdag si Kyle Lowry ng 19 points at tumipa si Danny Green ng 5-for-7 shooting sa three-point range para tumapos na may 17 points.

Show comments