Beermen ikakadena sa 1-1 ang serye

“That’s the key against the offensive-minded Beermen,” wika ni Hotshots head coach Chito Victolero matapos ang kanilang 99-94 panalo sa series opener ng 2019 PBA Phi­lippine Cup Finals noong Miyerkules.
Jun Mendoza

Laro Ngayon(Smart Araneta Coliseum)

7 p.m. San Miguel vs Magnolia (Game 2, Finals)

MANILA, Philippines — Dahil naging epektibo sa Game One ay hindi babaguhin ng Magnolia ang kanilang depensa kontra sa nagdedepensang San Miguel.

“That’s the key against the offensive-minded Beermen,” wika ni Hotshots head coach Chito Victolero matapos ang kanilang 99-94 panalo sa series opener ng 2019 PBA Phi­lippine Cup Finals noong Miyerkules.

Gamit ang kanilang mahigpit na depensa, pipilitin ng Magnolia na maitayo ang 2-0 bentahe sa kanilang pagsagupa sa San Miguel ngayong alas-7 ng gabi sa Game Two sa Smart Araneta Coliseum.

Bagama’t humakot si five-time PBA MVP June Mar Fajardo ng halimaw na 35 points at 21 rebounds para sa Beermen ay napatahimik naman ng Hotshots sina Arwind Santos, Alex Cabagnot, Chris Ross at Marcio Lassiter sa dulo ng fourth quarter.

“Marami pa kaming time na mag-adjust then bounce back lang next game,” wika ng 6-foot-10 na si Fajardo para sa San Miguel, hangad ang kanilang pang-limang sunod na All-Filipino crown.

Muli namang aasahan ng Magnolia sina Paul Lee, Ian Sangalang, Mark Barroca, Jio Jalalon at Rafi Reavis.

Umiskor ang Beermen ng 55 points sa first half at nagtala ng malamyang 9-of-35 shooting sa three-point range sa Game One.

“If you look at the stats, you’ll see our shooting percentage, our shot selection was not good,” sabi ni San Miguel mentor Leo Austria sa Magnolia. “I have to give credit to our opponent, it was their defense that made this possible.”

Tinalo ng Beermen ang Hotshots, 4-1 sa kanilang best-of-seven championship series ng 2018 PBA Philippine Cup matapos kunin ng tropa ni Victolero ang Game One.  

Show comments