^

PSN Palaro

UST dale ang twice-to-beat

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

 MANILA, Philippines —  Sinakmal ng University of Santo Tomas ang impresibong 25-14, 25-23, 23-25, 25-19 panalo laban sa nagdedepensang De La Salle University para masungkit ang twice-to-beat advantage sa Final Four ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Mainit ang palad ni outside hitter Cherry Ann Rondina nang rumatsada ito ng 29 hits mula sa 25 spikes, dalawang blocks at dalawang aces upang tulungan ang Tigresses na makuha ang krusyal na panalo.

Ito ang unang twice-to-beat  incentive ng UST sapul noong Season 73 nang naglalaro pa sa kopo­nan sina Aiza Maizo at Rhea Dimaculangan. Sa kabilang banda, ito ang unang pagkakataon na walang twice-to-beat ang La Salle sa nakalipas na 10 taon.

“Bago magsimula yung laro sinabi ko na sa mga bata na dapat manalo kami. Wala nang ibang iisipin kundi manalo, all-out buong puso. Ako sinasabi ko sa sarili ko na gusto ko talaga manalo,” wika ni Rondina.

 Maghaharap ang UST at La Salle sa Final Four sa Linggo, alas-4 ng hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City kung saan isang panalo na lamang ang kailangan ng Tigresses para makabalik sa finals.

Nakatakda naman ang pagtutuos ng top seed A­teneo de Manila University at No. 4 Far Eastern University sa hiwalay na semis match sa Sabado sa MOA  Arena.

vuukle comment

UAAP SEASON 81 WOMEN’S VOLLEYBALL

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with