^

PSN Palaro

Cabalo, Amogius naka-3 ginto na

Pilipino Star Ngayon

2019 Arafura Games

DARWIN, Australia – Pinitas nina trackster John Lloyd Cabalo at swimmer Lora Micah Amogius ang kani-kanilang ikatlong gold medal sa 2019 Arafura Games.

Itinakbo ni Cabalo ang ginto sa men’s 4x400m kasama sina Joviane Calixto, Romel Bautista at Reymark Godoy sa kanilang bilis na 3:29.11 para talunin ang mga teammates na sina Al-Nhaquiev Sappari, Nicko Caparoso, Jason Buenacosa at Norman Carl Luardo (3:32.12).

Nilangoy naman ni Amogius ang kanyang pangatlong gold medal matapos makipagtulungan kina Erika Lois Suelan, Zoemarie Hilario at Krisha Joanna Apin sa pagrereyna sa 400m individual medley sa oras na 4:42.42.

Nauna nang inangkin ng 18-anyos na si Cabalo ng Puerto Princesa ang 400m at 4x100m relay gold medals, samantalang sinisid ng 13-anyos na si Amogius ng Davao City ang mga ginto sa 100m backstroke at 200m  indivi­dual medley noong Sabado para sa pagsisimula ng kampanya ng Team Phi­lippines na suportado ng Philippine Sports Commission at Standard Insurance.

Samantala, inangkin ni Bautista ang gold sa men’s 400m hurdles sa ti­yempong 1:03.16 at winalis ng 4x400m women’s team nina May Therese Gula, Abegail Manzano, Jessel Lumapas at Ara Delotavo ang gold (4:37.10).

Nagposte naman si John Paul Elises ng ba­gong Arafura Games record sa 15-16 men’s 100m butterfly sa kanyang oras na 1:00.11 para sirain ang 1:00.33 ni Ross Pearce na naitala noong 2001. 

2019 ARAFURA GAMES

JOHN LLOYD CABALO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with