Magnolia vs SMB

Nangailangan ang Hotshots ng extra period para sibakin ang Elasto Pain­ters, 63-60 sa Game Se­ven ng kanilang semifinals series patungo sa 2019 PBA Philippine Cup Finals kagabi sa MOA Arena sa Pasay City.

Sa PBA Philippine cup finals

MANILA, Philippines — Mula umpisa hanggang sa huli ay matibay na depensa ang parehong ibinigay ng Magnolia at Rain or Shine.

Nangailangan ang Hotshots ng extra period para sibakin ang Elasto Pain­ters, 63-60 sa Game Se­ven ng kanilang semifinals series patungo sa 2019 PBA Philippine Cup Finals kagabi sa MOA Arena sa Pasay City.

Umabante ang Magnolia sa kanilang pang-30 finals appearance at target ang pang-15 kampeonato.

“We' believe. We've been in this situation many times and we know what it takes,” sabi ni 11-time champion center Rafi Reavis, humakot ng 7 points at 19 rebounds, para sa Hotshots na bumangon mula sa 17-point deficit sa third period.

Lalabanan ng Magnolia ang nagdedepensang San Miguel Beer para sa korona ng All-Filipino conference.

Magsisimula ang ka­nilang best-of-seven titular showdown sa Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.

Pinatalsik ng Beermen ang Phoenix Fuel Masters, 4-1 sa kanilang sariling semis duel para umabante sa pang-41 finals appea­rance at targetin ang ika-26 kampeonato.

Matapos kunin ang 27-21 abante sa halftime ay nagsalpak sina two-time PBA MVP James Yap, Beau Belga at Maverick Ahanmisi ng makakasunod na three-point shots para ibigay sa Elasto Pain­ters ang 17-point lead  39-22 sa 9:14 minuto sa third period.

Subalit bumalikwas ang Hotshots mula sa pinakawalang 24-7 atake para itabla ang labanan sa 46-46 sa 8:45 minuto ng fourth quarter hanggang mauwi ang laro sa overtime, 55-55.

Nagsalpak ng dalawang basket sina Ian Sangalang at Paul Lee para sa 59-55 bentahe ng Hotshots hanggang muling nakalapit ang Elasto Painters sa 60-61 agwat sa nalalabing 1:11 minuto ng overtime.

Ang dalawang magkahiwalay na free throw nina Reavis at Sangalang sa huling 1.3 segundo ang sumelyo sa panalo ng Magnolia.   

Show comments