^

PSN Palaro

Kate Diaz binuhat ang unang medalya ng Pinas

Pilipino Star Ngayon
Kate Diaz binuhat ang unang medalya ng Pinas
Inangat ng 15-anyos na si Diaz ang 115 kilograms matapos kumubra ng 50 kilograms sa snatch at 65-kilograms sa clean and jerk sa women’s 45-kgs division sa pagsisimula ng kam­panya ng Team PH na suportado ng PSC.
Team Philippines/Arafura Games Facebook

DARWIN, Australia — binigay ni Kate Diaz ang u­nang medalya ng Pilipinas sa 2019 Arafura Games makaraang bumuhat ng silver medal sa women’s weighlifting competition kahapon sa Darwin Convention Centre.

Inangat ng 15-anyos na si Diaz ang 115 kilograms matapos kumubra ng 50 kilograms sa snatch at 65-kilograms sa clean and jerk sa women’s 45-kgs division sa pagsisimula ng kam­panya ng Team PH  na suportado ng PSC.

Napasakamay ni Shi Yue Shan ng Taiwan ang ginto sa itinalang 120-kilograms mula sa binuhat na 53 kilograms sa snatch at 67 kilograms sa clean and jerk.

Ayon kay Diaz, isa itong learning experience para sa kanya matapos kapusin sa gold nang mabigong iangat ang 70 kilograms sa ikalawa at ikatlong tangka sa clean and jerk.

“Siguro may reason si God na ginawa niya ito para hindi ako ‘yung parang may kumpiyansa lang na manalo. Hindi kesyo ito lang, ‘yan na lang, hindi ka na magpo-focus. Natutunan ko talaga na kahit anong mangyari, nandoon ‘yung focus at hindi mawawala sa concentration,” ani Diaz, hangad na makalahok sa darating na Southeast Asian Games.  

KATE DIAZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with