Twice-to-beat sa Lady Eagles

Tatapusin ng Lady Eagles ang kanilang elimination round assignment laban sa UE Lady Warriors sa Linggo kung saan inaasahan ang patuloy na pag­ragasa upang manatili sa top spot at makaharap ang No. 4 seed sa semis simula sa susunod na linggo.
facebook

MANILA, Philippines — Muling winalis ng A­teneo Lady Eagles ang Adamson Lady Falcons, 25-16, 28-26, 25-17 kahapon upang angkinin ang isa sa dalawang semifinals twice-to-beat advantage sa pagpapatuloy ng Season 81 UAAP volleyball tournament  sa The Arena ng San Juan City.

Tumipak ng 17 puntos si Kat Tolentino, 12 nito mula sa atake at limang blocks para makopo ng Lady Eagles ang pang-11th panalo sa 13 laro at manatili sa solo liderato.

Tatapusin ng Lady Eagles ang kanilang elimination round assignment laban sa UE Lady Warriors sa Linggo kung saan inaasahan ang patuloy na pag­ragasa upang manatili sa top spot at makaharap ang No. 4 seed sa semis simula sa susunod na linggo.

Sa iba pang laro,  naka-siguro na rin ang three-peat champion  De La Salle Lady  Spikers ng playoff sa huling semis bonus ma­karaang muling hiyain ang University of the East Lady Warriors, 25-17, 25-16, 25-19 para umangat sa 10-3 win-loss slate.

Samantala sa men’s division, pinatalsik ng FEU Tamaraws ang DLSU Green Spikers, 25-21, 25-19, 25-20 upang angkinin ang ikalawang twice-to-beat bonus habang  nakamit naman ng NU Bulldogs ang ika-12th sunod panalo matapos lapain ang UP Fighting Maroons, 25-18, 25-21, 25-22.

Show comments