3 boxers lusot sa quarters

MANILA, Philippines — Umabante si Filipino light flyweight Ramel Macado sa quarterfinals matapos talunin si Southeast Asian Games gold medalist Muhammad Fuad Bin Mohd Red­zuan ng Malaysia, 5-0, sa 2019 Asian Boxing Championships sa Bangkok, Thailand.

Ganap na dinomina ng 23-anyos na tubong Ko­ronadal City si Fuad pa­ra duplikahin ang nauna ni­yang 4-1 pagdaig kay Ira­nian Ahmadisafa Omid.

Lalabanan ni Macado sa quarterfinals ang ma­na­nalo sa pagitan nina Te­mirtas Zhussupov ng Ka­zakhs­tan at Samak Saehan ng Thailand.

Nakapasok din sa quar­terfinals si bantamweight Ian Clark Bautista mula sa kanyang 5-0 panalo kay Nguyen Van Gioi ng Viet­nam.

Umiskor naman si Pi­nay flyweight Josie Gabuco ng walkover victory kay Tandin Lhamo ng Bhutan.

Sasagupain ni Gabuco sa quarterfinals ang mana­nalo kina Kazakh Alua Bal­kibekova at Korean Bak Cho­rong.

Minalas si lightweight Jeorge Eduma matapos makatikim ng 2-3 kabiguan kay Hursand Imankuliyev ng Turkmenistan.

Show comments