SMART/MVPSF Taekwondo summer class dinagsa
MANILA, Philippines — Libu-libong mga batang lalaki at babae ang maghahangad ng ‘yellow belts’ sa pagsipa ng 2019 SMART/MVPSF Taekwondo summer classes na kasalukuyang isinasagawa ng mga kaanib ng Philippine Taekwondo Association sa buong bansa.
Sinabi ni dating world champion, Makati Congressman at PTA secretary general Monsour del Rosario na ang mga kalahok ay sasailalim sa examinations matapos ang two-month classes sa lahat ng rehiyon para madetermina kung kuwalipikado sila sa yellow belts.
Itinuturo ng mga veteran instructors sa mga partisipante ang iba’t ibang forms at techniques ng taekwondo, ikinukunsidera bilang nangugngunang martial art.
Ipapakita sa mga bagong estudyante ang modern electronic system na ginagamit ng World Taekwondo Federation sa Olympics, Asian Games at Southeast Asian Games.
Tinatawag na Protective Scoring System (PSS) at Electronic Scoring System (ESS), ituturo ng technology sa mga estudyante ang paraan para sa pagkakaroon ng accurate at fair scoring.
Ang taekwondo, ayon kay Del Rosario, ang best exercise para sa physical conditioning, alertness at self-protection.
Ang mga interesadong sumali sa summer classes ay maaari pang magpatala sa kanilang mga rehiyon.
- Latest