Heat pinalamig ng Celtics

Tumipa si Al Horford ng 21 at iniskor ni Jayson Tatum ang siyam sa kanyang 16 points sa fourth quarter para sa ikalawang panalo ng Boston sa Miami.
AP Photo/Lynne Sladky

MIAMI — Humataw si Gordon Hayward ng 25 points habang nagdagdag si Kyrie Irving ng 23 mar­kers para akayin ang Boston Celtics sa 112-102 panalo kontra sa Heat.

Tumipa si Al Horford ng 21 at iniskor ni Jayson Tatum ang siyam sa kanyang 16 points sa fourth quarter para sa ikalawang panalo ng Boston sa Miami.

Nanatiling magkatabla ang Celtics at Indiana Pa­cers para sa fourth-best record sa Eastern Confe­rence habang naapektuhan naman ang tsansa ng Heat sa tiket sa playoffs.

Sa Los Angeles, kuma­mada si James Harden ng 31 points at may 29 markers si Chris Paul para pamunuan ang Houston Rockets sa 135-103 pag­lampaso sa Clippers sa kanilang potensyal na playoff preview.

Nagposte si Clint Capela ng 24 points at 15 rebounds para sa ikaapat na sunod na ratsada ng Rockets.

Kasalukuyang hawak ng Houston ang third seed sa Western Conference at nasa No. 6 naman ang Los Angeles sa inaasahang pagtatagpo nila sa first round.

Sa Phoenix, naglaglag si Donovan Mitchell ng 29 points para akayin ang playoff-bound Utah Jazz sa 118-97 paggiba sa Suns.

Hindi natapos ni Phoenix star guard Devin Booker ang laro nang magkaroon ng sprained ankle injury sa 4:28 minuto sa first quarter.

Umiskor si Joe Ingles ng 15 sa kanyang 27 points sa second quarter para sa Jazz na nanatili sa fifth place sa Western Confe­rence.

Show comments