Cignal-Ateneo nagsolo sa No. 3

Bumandera si BJ Andrade nang kumana ito ng 13 puntos tampok ang 10 sa ikatlong kanto para tulungan ang Blue Eagles na makuha ang 63-54 lead.
File Photo

Laro sa Lunes(JCSGO Gym, Cubao)

11 a.m.CEU vs CD14 Designs-Trinity

1 p.m.McDavid vs Family Mart-Enderun

MANILA, Philippines — Pinasadsad ng Cignal-Ateneo de Manila University ang Petron-Colegio de San Juan de Letran, 83-64  para masolo ang No. 3 spot sa Aspirants Group sa 2019 PBA D-League kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Bumandera si BJ Andrade nang kumana ito ng 13 puntos tampok ang 10 sa ikatlong kanto para tulungan ang Blue Eagles na makuha ang 63-54 lead.

Ito ang naging matibay na pundasyon ng Blue Eagles na napalobo pa sa 20 puntos ang kalamangan (82-62) para makuha ang panalo.

Nagdagdag si Mike Nieto ng 12 puntos habang nakakuha naman si Matthew Daves ng 10 puntos at siyam na boards. Umiskor naman si Ivorian slotman Angelo Kouame ng double-double na 10 points at 11 rebounds.

“Our discipline wasn’t good in the first half and that’s not the right recipe to play successful basketball,” ani Blue Eagles head coach Tab Baldwin.

Umangat ang Cignal-Ateneo sa 4-1 habang bagsak ang Letran-Knights sa 3-2.

Humugot ang Knights ng lakas kay Jerrick Balanza na may 16 puntos, apat na rebounds at dalawang assists.

Sa unang laro, nama­yani ang Go For Gold-College of Saint Benilde sa Batangas-Emilio Aguinaldo College, 102-87  para makuha ang ikalawang panalo sa limang laro.

Laglag ang Batangas-EAC sa 1-4 kung saan nasayang ang 17 points ni Allan Martin.

Show comments