Lady Spikers niresbakan ang Tigresses

Pasok ang spike ni Bernadette Flora ng Adamson laban kay Joni Anne Chavez ng NU.
(Kuha ni Jun Mendoza)

Payback time

MANILA, Philippines — Hindi na pinatagal ng three-peat champion De La Salle Lady Spikers ang laban at ginantihan ang  Uni­versity of Santo Tomas Tigresses, 21-25, 25-23, 25-19, 26-24, upang masungkit ang solo second spot sa Season 81 UAAP women’s volleyball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Pinangunahan ni team captain  Des Cheng ang La­dy Spikers mula sa kan­yang career-high 20 points kabilang ang 14 attacks, 3 blocks at 3 aces para mako­po ang kanilang pang-pitong panalo sa 10 laro at makaganti sa 20-25, 22-25, 17-25 pagkatalo sa Tigresses sa first round ng elimination noong Marso 6.

Hinarang ni Lourdes Cle­mente ang atake ni Eya Laure ng UST upang tapusin ang laro at ihulog ang Tigresses sa solo fourth spot sa 6-4 kartada sa likuran ng solo leader Ateneo Lady Eagles (8-1), Lady Spikers (7-3) at FEU Lady Tamaraws (6-3).

Sa kanilang panalo ay bahagyang nagpaparamdam si coach Ramil de Je­sus sa kanilang seryosong mithiin sa pagsungkit sa makasaysayang ‘four-peat’.

Sa iba pang laro, ti­na­pos na ng National Uni­versity Lady Bulldogs ang pag-asa ng Adamson La­dy Falcons matapos ang kanilang 28-26, 30-32, 25-21, 25-22, panalo pa­ra makamit ang ikatlong panalo sa sampung laro at mapanatiling buhay ang pag-asa na makapasok sa Final Four.

Nagsanib-puwersa si­na Roselyn Doria at Audrey Paran at mga rookies na sina Princess Robles, Jennifer Nierva, Ivy Lacsi­na at Gelina Luceno para putulin ang kanilang three-game lo­sing skid at bumawi sa sa three-set loss sa Lady Falcons sa first round.

Show comments