DAVAO CITY, Philippines — Inilapit ng mga Mindanao teams na Zamboanga at Davao Occidental ang kanilang sarili sa championship round ng MPBL Datu Cup.
Tinalo ng Zamboanga ang inaugural champion na Batangas City, 72-58, at giniba ng Davao Occidental ang Bacoor, 79-71, sa Game One ng kani-kanilang mga best-of-three semifinals series kamakalawa ng gabi dito sa Rizal Memorial College.
Tumipa sina Reed Juntilla at Robin Roño ng tig-19 points para sa panalo ng Zamboanga.
Maaari nang umabante ang Zamboanga sa championship round ng South Division kung muling tatalunin ang Athletics sa Game Two bukas sa Batangas Cty.
Puwede na ring walisin ng Davao Occidental ang Bacoor sa kanilang semis wars sa pamamagitan ng panalo sa Game Two.