MILO Best Center clinic sa QC, Malate kasado na

MANILA, Philippines — Tatayong host ang dalawang venues sa Quezon City at isa sa Manila sa basketball at volleyball clinics ng Best Center sa susunod na buwan.

Ang St. Patrick School sa Bahay Toro, Project 8 sa Quezon City ang hahawak sa basketball at volleyball cli­nics ng award-winning group sa Abril 6-Mayo 1, ayon kay Nic Jorge, founder ng Basketball Efficiency and Scientific Training Center at itinataguyod ng MILO katuwang ang Rain or Shine, SKLZ at Chris Sports,

Ang Malate Catholic School sa Manila ang magiging venue din para sa basketball clinics  habang ang Ateneo college covered courts ang mamamahala sa volleyball clinics sa Abril 10-mayo 8.

Ang mga early enrollees ay tatanggapin sa Malate Catholic School, Ateneo at sa Starmall Alabang at maaa­ring tumawag sa 411-6260 372-3065/66 o mag-email sa bestcenter.inquiry@gmail.com at hanapin sa Facebook ang bestcentersportsinc.

Show comments