Monteverde handang maging coach ng Batang Gilas

MANILA, Philippines — Ang paghahari ng National University-Nazareth School sa nakaraang UAAP Season 81 junior basketball tournament ang inaasahang magbubukas pa ng mara­ming oportunidad para kay coach Goldwin Monteverde.

Handa naman si Monteverde, pinalakas ang NU para maging isang top-caliber team, sa mga hamon na ibibigay sa kanya.

At  isa rito ang posibleng pangunguna sa Batang Gilas program ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP).

“Why not?  It’s a big honor for me to serve the national team,” wika ni Monteverde sa kanyang pagbisita kamakailan sa 13th “Usapang Sports”  Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros.

 Inihatid ni Monteverde ang NU Bullpups sa UAAP junior division title matapos ang two-game sweep sa da­ting kampeon na Ateneo Blue Eaglets na binanderahan ni Kai Sotto.

“Iyong finals (against Ateneo), mahirap talaga ang pinagdaanan ng team. But I am really happy dahil this is my first UAAP championship,” ani Monteverde, ikinukunsiderang isa sa mga top high school basketball coaches, sa weekly forum na suportado ng Philippine Sports Commission at National Press Club.

Nauna nang naging mentor si Monteverde ng Chiang Kai Shek at Adamson.

 Ngunit mas matamis ang UAAP Season 81 crown, ayon kay Monteverde na nagparada kina Batang Gilas standout Carl Tamayo at Kevin Quiambao.

Show comments