MANILA, Philippines — Nangailangan ng tatlong sets ang University of Perpetual Help Junior Altas bago magwagi sa Letran Squires, 19-21, 21-12, 15-7 sa one-game championship ng Season 94 NCAA Beach Volleyball Junior’s tournament noong Martes sa SM Sands by the Bay sa Seaside Boulevard ng Mall of Asia sa Pasay City.
Matapos mabigo sa unang set, 19-21 bumawi ang senior high school tandem nina Noel Michael Kampton at Hero Austria ng Junior Altas laban kina John Paolo Lorenzo at Christian de la Cruz ng Letran sa susunod na dalawang sets upang makopo ang Junior’s title.
Ito pa lang ang unang titulo ng Junior Altas sa loob ng pitong taon at ikatlong korona sa overall simula ng sumali ang Las Piñas-based UPHSD sa beach volleyball tourney ng NCAA noong 2007. may tig-tatlong titulo bawat isa.
Bukod sa titulo, tinangay din ni 6’2 hard hitter Kampton ang Most Valuable Player (MVP) trophy habang si UPHSD coach Sandy Rieta ang tinanghal na “Coach of the Year” ng Season 94.