MANILA, Philippines — Kapwa winalis ng University of Perpetual Help Altas at Junior Altas ang kani-kanilang kalaban para pangunahan ang elimination round sa magkahiwalay na division kahapon sa Season 94 NCAA Beach Volleyball tournament sa Sands SM By the Bay sa Mall of Asia sa Pasay City.
Inilampaso nina Gilbert Balmore at Jay-Jay Solamillo ng Altas ang tandem nina Joshua Mina at Joshua Pitogo ng Emilio Aguinaldo Generals sa straight sets, 21-13, 21-19 para makuha ang top spot sa Final Four ng collegiate division.
Hindi rin nagpahuli sina Noel Kampton at Hero Austria ng Junior Altas at tinalo sina JP Lorenzo at Christian Dela Cruz ng Letran Squires sa three sets, 21-13, 18-21, 15-12 upang angkinin ang number 1 spot sa semifinals ng torneo.
Dahil sa kanilang malinis na kartada matapos ang elims, kapwa umabante ang Altas ni coach Joaquin Marcelo at Altalettes ni coach Sandy Rieta sa susunod na round tangan ang twice-to-beat bentahe.
Hihintayin pa ng Junior Altas ang kanilang makakaharap sa semis pagkatapos ng elimination round bukas ng umaga sa pagitan ng Lyceum at (3-4) at Mapua (4-4).
Ang Squires ay pasok na rin sa semis.