PSA gagawaran ng parangal ang Go For Gold PH dragonboat team

Ang Go For Gold PH dra­gonboat team.

MANILA, Philippines — Ipinakita ng mga Filipino paddlers ng Philippine Canoe Kayak and Dragonboat Federation ang kanilang pagiging world champions mula na rin sa suporta ng Go For Gold Philippines.

Sumagwan ang tropa ng makasaysayang limang gintong medalya noong 2018 ICF World Dragon Boat Championships na kikilalanin sa Philippine Sportswriters Association Awards Night bukas ng gabi sa Manila Hotel.

“We want to express our heartfelt gratitude to the PSA for the recognition. But our accomplishment won’t be possible without the hardwork and dedication of the team and the backing of Go For Gold,’’ ani PCKDF president Jonne Go.

Si Go For Gold godfather Jeremy Go ang gumastos sa paglahok ng national women’s dragonboat team sa event sa Gainesville, Georgia na nagbigay-daan sa pagdomina ng mga Pinoy paddlers sa mixed event category ng global championships.

Pinamunuan nina paddlers Hermie Macaranas, Ojay Fuentes, drummer Patricia Bustamante at steersman Maribeth Caranto, nagwagi ang mga Pinoy paddlers sa 10-seater at 20-seater senior mixed 200-meter at 500m races.

Ang pang-limang ginto ay kanilang kinuha sa 10-seater senior men’s 200m para selyuhan ang pagsikwat sa overall title ng event na idinaos sa Lake Lanier Olympic Park kung saan sumasabak ang pinakamagagaling na paddlers sa buong mundo.

Tinalo ng Team Philippines ang mga national teams ng Hungary, France, Germany, Canada, Czech Republic, Armenia, Italy, Russia, Japan, Switzerland, Ukraine at host US. 

Bukod sa limang ginto, nag-uwi rin ang tropa ng dalawang pilak sa big boat senior mixed 2000m at small boat men’s 500m.

Show comments