2019 FIBA World Cup draw pangungunahan ni Bryant
MANILA, Philippines — Mismong si NBA great Kobe Bryant ang mamumuno sa pagsasagawa ng draw para sa 2019 FIBA Basketball World Cup sa Marso 16 sa Shenzhen, China.
Makakasama ni Bryant si American singer/songwriter Jason Derulo sa nasabing star-studded show.
Hinirang si Bryant, dating kamador ng Los Angeles Lakers, bilang global ambassador ng FIBA World Cup noong Oktubre.
Ang draw ang itatampok sa nasabing week-long celebration ng basketball sa isa sa walong host-cities ng pinakamalaking FIBA World Cup.
Isasagawa ang nasabing FIBA Basketball World Cup 2019 draw sa Shenzhen Bay Arena at sa unang pagkakataon ang event ay bubuksan para sa publiko.
Si Yao Ming, kagaya ni Bryant ay isa ring World Cup global ambassador, sa mga sasaksi sa nasabing event.
Bago ang draw ay pakakawalan muna ang sixth at final window ng FIBA Basketball World Cup Qualifiers sa Pebrero 21-16 para mapanalisa ang 32 team field.
Kabuuang 26 bansa ang mag-aagawan para sa natitira pang 14 slots sa 2019 FIBA World Cup.
Ang 18 teams na nakakuha na ng tiket para sa 2019 World Cup ay ang tournament host na China, Australia, Korea at New Zealand (Asia), Angola, Nigeria at Tunisia (Africa), Argentina, Canada, USA at Venezuela (Americas), Czech Republic, France, Germany, Greece, Lithuania, Spain at Turkey (Europe).
- Latest