Pacquiao-Thurman fight pinaplantsa na
MANILA, Philippines — Walang balak maghintay ang kampo ni eight-division world champion Manny Pacquiao kay undefeated American fighter Floyd Mayweather Jr.
Kaya naman sesentro muna ang atensiyon ng Team Pacquiao sa Plan B-ang makaharap ang isa sa pinakamahuhusay na boksingero sa mundo sa pagdepensa ng kanyang WBA regular welterweight title.
At isa si Keith Thurman sa target.
Ayon sa source ng Bong News and Views, gumugulong na ang negosasyon sa pagitan ng kampo nina Pacquiao at Thurman na inaasahang ihahayag sa publiko sa oras na maikasa na ang laban.
Parehong galing sa matikas na panalo ang dalawang boksingero.
Matagumpay na naipagtanggol ni Pacquiao ang titulo nito laban kay American pug Adrien Broner noong Enero sa pamamagitan ng unanimous decision win sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.
Armado si Thurman ng impresibong 29-0 rekord tampok ang 22 KO.
- Latest