MANILA, Philippines — Haharapin ni World Boxing Association (WBA) interim bantamweight champion Reymart Gaballo si Yuya Nakamura ng Japan habang si world contender Romero Duno ay lalaban kay Kuldeep Dhanda ng India sa lightweight showdown bukas sa Midas Hotel and Casino sa Roxas Blvd. Pasay City.
Bukod kay Gaballo at Duno na mayroon ding promotional contract sa Oscar de La Hoya’s Golden Boy Promotions, magtatagpo rin sina dating world flyweight champion Johnriel Casimero at ang fast-rising boxer na si Dave Peñalosa sa slambang showdown na iniharap ng 1Pacman Partylist.
Si Duno na isang protégé ni JC Mananquil ng Sanman Promotions, ay nanatili sa Golden Boy Promotions kung saan siya ay tinuturing bilang ‘future star’ ng boxing sa US.
Ang nasabing boxing event ay libre sa publiko at mapapanood sa ESPN 5.