^

PSN Palaro

Amoguis siblings nanalasa sa pool

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

TAGUM CITY, Davao del Norte , Philippines  — Mula sa katatapos na DAVRAA (Davao Regional Athletic Association) ay ipinagpatuloy ng magkapatid na Liaa Margarette at Lorah Micah Amoguis ng Davao City ang kanilang pananalasa sa swimming pool sa 2019 Batang Pinoy Mindanao Leg kahapon sa Davao Del Norte Sports and Tourism Complex dito.

Umagaw naman ng eksena si John Carlo Margarito Loreno ng Koronadal City nang pumana ng limang gintong medalya sa cadet boys’ 30-meter, 40m, 50m, 60m at Single FITA sa archery event.

Tumudla si Kristine Madelina Ibag ng Davao City ng apat na gold medal sa cubs girls’ 20m, 30m, 40m at 50m.

Lumangoy ng dalawang gold medal ang 11-anyos na si Liaa Margarette sa girls’ 12-under 100-meter butterfly (1:11.02) at sa 200m Individual Medley (2:39.00), habang nanguna ang 13-anyos na si Lorah Micah sa 200m IM (2:35.06).

“We support each other in competition and in trai­ning,” sabi ni Lorah Micah, Grade 7 student sa Abbas Orchard School sa Davao City, sa Grade 6 student na si Liaa Margarette na magdiriwang ng kanyang ika-12 kaarawan sa Marso 20. “

Sa nakaraang DAVRAA ay humakot si Liaa Margarette ng kabuuang anim na ginto samantalang nagbulsa naman ng apat si Lorah Micah.

“I’m really happy with my performance and I hope to surpass my personal time,” dagdag ni Liaa Margarette, kagaya ni Lorah Micah ay may apat na events na lalanguyan sa susunod na dalawang araw ng swimming competition.

Nagtala rin ng dalawang gold si Rain Andrei Tumulac mula sa kanyang mga  panalo sa boys’ 12-under 100m butterfly (1:14.69) at 100 freestyle (1:05.49) bilang bahagi ng limang gold na sinisid ng Davao Del Norte.

2019 BATANG PINOY MINDANAO LEG

DAVAO REGIONAL ATHLETIC ASSOCIATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with