^

PSN Palaro

Pampanga, Cebu City buhay pa ang pag-asa sa q’finals

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umiskor si Michael Juico ng 29 puntos upang iangat ang Pampanga Lanterns sa 90-85 panalo laban sa Mandaluyong El Tigre habang tinambakan naman ng Cebu City Sharks ang Bulacan Kuyas, 70-54  sa pagpapatuloy ng  2018-2019 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup noong Sabado ng gabi sa Angeles University gym sa Angeles City.

Bukod sa malaking puntos, umani pa ng pitong rebounds, tatlong assists, tatlong steals at isang block si Juico para buhayin ang pag-asa ng Lanterns na makapasok sa quarterfinal round.

Tumulong din ng 19 puntos at dalawang rebounds si Levi Hernandez habang 16 puntos, 13 rebounds, limang assists, isang steal at dalawang blocks si Juneric Baloria para tumuntong muli sa pang-walong puwesto ang Pampanga sa 9-12 win-loss kartada sa Northern Division.

Dahil sa talo, kaila­ngan walisin ng Mandalu­yong at Bulacan ang kanilang huling apat na laro upang buhayin ang tsansang ma­kapasok sa playoff round.

Sa ibang laro, tumipa si Joel Lee Yu ng 18 puntos para umakyat ang Cebu City Sharks sa pang-anim na puwesto sa 11-12 record sa Southern Division.

vuukle comment

MICHAEL JUICO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with