PSC pinondohan ang pagpapatayo ng Davao Sports Complex para sa Palaro
MANILA, Philippines — Higit sa P100 milyon ang ibinigay ng Philippine Sports Commission sa Davao City para sa pagpapatayo ng Davao City-UP Sports Complex.
Kaya naman pinasalamatan ni Davao City Mayor Sara Duterte Carpio si PSC chairman William “Butch” Ramirez para sa naturang sports complex na gagamitin ng lungsod sa pamamahala sa Palarong Pambansa 2019.
“I’d like to express my gratitude to Secretary Mark Villar of the Department of Public Works and Highways, Secretary Leonor Briones of the Department of Education, Chairman Butch Ramirez of the Philippine Sports Commission, University of the Philippines and the office of Congressman Isidro and Alberto Ungab for coming together in helping the city government of Davao,” sabi ni Duterte-Carpio. “Thank you very much sa inyo ha.”
Tinanggap ng Mayora ang 7,000 atleta at opisyales ng 11 delegasyon sa opening ceremonies ng Davao Region Athletic Association (Davraa) Meet 2019 noong Linggo.
“It’s an honor to work with the father before, who is now the President (Rodrigo Duterte), and also serve Mayor Inday Sara in whatever endeavor,” wika naman ni Ramirez.
“With the leadership of Mayor Inday Sara, we can create a Davao City and Davao region genuine grassroots sports path which will be a legacy of Duterte government,” dagdag pa ng PSC chief.
Bago ang pamamahala sa 2019 Palarong Pambansa ay pangangasiwaan muna ng Davao Del Norte ang Mindanao Leg ng 2019 PSC-Batang Pinoy sa Tagum City sa Pebrero 3-9.
Sasagutin din ng national sports agency ang sports medicine at sports sciences lectures bukod pa sa pagbibigay ng mga accredited coaches sa Davao City at Davao region matapos ang PSC-Batang Pinoy.
Maliban sa Davao City-UP Sports Complex at makikipagtulungan din ang PSC sa mga schools, colleges at universities ng iba pang LGUs.
- Latest