Pinoy tracksters sasabak sa 2 international tourney

MANILA, Philippines — Sasabak ang mga Filipino athletes sa 14th Southeast Asian Youth Athletics Championships at sa 2019 Philippine Athletics Championship na pamamahalaan ng Pilipinas.

Gagawin ang Southeast Asian Youth Athletics sa Marso 2-3 habang idaraos ang Philippine Athletics Championship sa Marso 6-8 sa Ilagan, Isabela.

“This year, it’s going to be a very big one because we have the Southeast Asian Games and the timing of both is rather perfect; The youth teams are preparing for the Asian Youth so many are coming and the seniors will have the Asian Athletics Championships in April,” sabi kahapon ni Philippine Athletics Track and Field Association president Philip Ella Juico.

Babanderahan nina overseas-based aces Eric Cray, Lily Carter, William Morrison, Alyana Nicolas, Natalie Uy, Kayla Robinson, Kristina Knott at EJ Obiena ang kampanya ng bansa bukod pa kina Phl-based standouts Marestella Torres, Harry Diones at Mary Joy Tabal.

Kabuuang 12 bansa ang sasabak sa PAC kabilang ang UAE, Jordan, Hong  Kong, Sri Lanka, India, Mongolia at Chinese Taipei.

Pamumunuan naman ni middle distance specialist Tara Borlain ang 20 pang pambato ng bansa sa 13-17 age bracket ng Southeast Asian Youth Athletics Championships.

Ito ang ikatlong pagkakataon na pamamahalaan ng “Corn Capital of the Philippines” ang PAC at ikalawa naman para sa SEAYAC sa nasabing international-standard City of Ilagan Sports Complex.

Humigit-kumulang sa 1,000 partisipante ang ina­asahang lalahok sa nasabing dalawang bigating events na kasama sa mga pinaghahandaan ng Patafa.

Show comments