^

PSN Palaro

Spurs dapa sa Clippers

Pilipino Star Ngayon
Spurs dapa  sa Clippers
Nakalapit ang Spurs sa 95-101- agwat sa huling 31.7 segundo ng fourth quarter mula sa pinakahuling basket ni Aldridge at tuluyan nang sinelyuhan ng Clippers ang kanilang panalo mula sa dalawang free throws ni point guard Patrick Beverley.

SAN ANTONIO -- Kumolekta si Tobias Harris ng 27 points, 9 rebounds at 9 assists para pangunahan ang bisitang Los Angeles Clippers sa 103-95 pagpapabagsak sa Spurs at wakasan ang kanilang five-game losing slump.

Humakot naman si center LaMarcus Aldridge ng 30 points at 14 rebounds sa panig ng San Antonio, pinu­wersa ng Los Angeles sa 18 turnovers.

Nakalapit ang Spurs sa 95-101- agwat sa huling 31.7 segundo ng fourth quarter mula sa pinakahuling basket ni Aldridge at tuluyan nang sinelyuhan ng Clippers ang kanilang panalo mula sa dalawang free throws ni point guard Patrick Beverley.

Tumapos si Beverley na may 18 points, 12 rebounds at 5 assists  habang nagdagdag si Montrezl Harrell ng 18 points kasunod ang 15 markers ni  Avery Bradley para sa Los Angeles.

Umiskor si Rudy Gay ng 19 points kasunod ang 12 markers ni Marco Belinelli para sa Spurs, nakahugot ng 8 points kay DeMar DeRozan sa loob ng 29 minuto.

Sa Minneapolis, isinalpak ni veteran guard Derrick Rose ang isang 18-footer sa huling 0.6 segundo para iligtas ang Minnesota Timberwolves laban sa Phoenix Suns, 116-114.

Humugot ni Rose ng 29 sa kanyang 31 points sa se­cond half para ibangon ang Minnesota mula sa 11-point deficit laban sa Phoenix.

 Sa Indianapolis, kumamada si guard Victor Oladipo ng 21 points at nagposte si Darren Collison ng 19 points at 9 assists para pangunahan ang Indiana Pacers sa 120-95 panalo laban sa Charlotte Hornets.

Ito ang ikaapat na panalo ng Indiana sa huli nilang limang laban.

LOS ANGELES CLIPPERS

TOBIAS HARRIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with