MANILA, Philippines — Habang nagbubunyi ang buong sambayanan sa pagkakapanalo ni World Boxing Association (WBA) welterweight champion Manny Pacquiao laban kay Adrien Broner, sumalisi ang mga kawatan nang pasukin ang bahay ng Pinoy boxer sa Los Angeles, California.
Habang nagsasagawa ng regular na checking routine sa buong komunidad, natuklasan ng mga otoridad na bukas ang pintuan sa harap ng bahay ni Pacquiao kaya’t agad itong kinordonan ng mga pulis.
Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad sa Los Angeles upang madetermina kung anu-anong mga bagay ang nawala sa loob ng tahanan ng eight-division world champion.
Kinumpirma naman ng Team Pacquiao ang nangyari sa pamamagitan ni Sean Gibbons.
Masuwerte aniyang walang nasaktan sa insidente. Hindi ito ang unang pagkakataon na pinasok ang bahay ni Pacquiao sa Amerika.
Unang nang sumalisi ang mga kawatan noong 2011 kung saan apat na tao ang naaresto sa naturang insidente.
Related video: