^

PSN Palaro

Pacman pinaliguan ng suntok si Broner

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pacman pinaliguan  ng suntok si Broner
Nagpakawala si Manny Pacquiao ng solidong kanan sa mukha ni Adrien Broner.

MANILA, Philippines — Tunay na mabagsik ang inilabas na bangis ni eight-division world champion Manny Pacquiao laban kay American fighter Adrien Broner upang ma­panatili ang World Boxing Association (WBA) welterweight belt.

Ramdam na ramdam ni Broner ang lakas ng kamao ni Pacquiao matapos magpakawala ang Pinoy champion ng matatalim at solidong suntok sa buong panahon ng laban.

Halos hindi nakasabay si Broner sa bilis ni Pacquiao kaya’t walang duda na dominado ng Pambansang Kamao ang laban.

Base sa CompuBox sta­tistics, mas marami ang pinakawalang suntok ni Pacquiao tangan ang 112-of-568 kumpara sa 50-of-295 lamang ni Broner – may 62 suntok na pagkakalayo sa estatistika.

Mas lamang din si Pacquiao kung mga suntok na tumama sa katawan ni Broner ang pag-uusapan dahil kumunekta ito ng 82-of-197.

Tanging 39-of-180 ang nagawa ni Broner.

May 30-of-371 - 11-of-115 bentahe din si Pacquiao sa jabs.

Kaya naman hindi ma­aaring kuwestiyunin ng sinuman ang unanimous decision win ni Pacquiao laban kay Broner.

Magandang pagkakataon din ito upang isampal sa mukha ni Broner ang Compubox statistics matapos nitong ipagmalaki na siya ang nanalo sa laban.

vuukle comment

ADRIEN BRONER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with