^

PSN Palaro

Ang pagbabalik ni Pacquiao

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Ang pagbabalik ni Pacquiao

MANILA, Philippines — Hindi pa rin mawawala ang pangalan ni Manny Pacquiao sa mga yearenders.

Ito ay dahil sa kanyang kumbinsidong seventh-round Technical Knockout win laban kay Lucas Matthysse ng Argentina noong Hulyo 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Huling nagtala ang Filipino world eight-division champion ng KO win no­ong Nobyembre ng 2009 kung saan niya pinasuko si Miguel Cotto sa 12th round para agawin sa Puerto Rican legend ang hawak nitong World Boxing Organization welter­weight crown.

Tinanggalan naman ni Pacquiao ng World Boxing Association welterweight belt si Matthysse sa boxing card na pinamahalaan ng kanyang MP Promotions.

Bago ihayag ang ka­nilang upakan ni Matthysse ay inihayag ni Pacquiao na hindi na niya kukunin ang serbisyo ni chief trainer Freddie Roach at sa halip ay ang kababatang si Bu­boy Fernandez na ang tatayo sa kanyang corner.

Ang paglalaglag kay Roach ay dahil sa payo nito kay Pacquiao matapos ang unanimous decision loss kay Jeff Horn noong Hulyo ng 2017 sa Brisbane, Australia.

Minasama ni Pacquiao ang sinabi sa kanya ni Roach sa locker room na hindi niya kayang pagsabayin ang pagiging professional boxer at Senador.

Ngunit sa isang press conference para sa laban niya kay American challenger Adrien Broner ay inihayag ni Pacquiao na si Roach ang tatayo niyang training supervisor  para makatulong ni Fernandez.

Lubos namang ikinatuwa ito ng 58-anyos na si Roach.

“We just had a casual conversation. He threw a fi­gure out there and I said yes and everything worked out,” ani Roach sa pag-uusap nila ni Pacquiao bago ang press conference ng laban nila ni Broner sa New York. “He just wants Buboy to do more mitts as I’m getting older.”

Sa paggiya ni Fernandez ay nagkaroon ng sigla si Pacquiao.

Tatlong beses pinatumba ni Pacquiao si Matthysse sa rounds three, five at seven.

Isang mabigat na left hook ni Pacquiao matapos ang isang kombinasyon ang nagpaluhod kay Matthysse kasunod ang pagluwa ng dating kampeon sa kanyang mouthpiece.

Dito na itinigil ni referee Kenny Bayless ang laban sa huling dalawang minuto at 43 segundo at ideklara si ‘Pacman’ bilang bagong WBA welterweight king.

Matapos ang ilang buwan ay nagretiro ang 36-anyos na si Matthysse.

Idedepensa ni Pacquiao (60-7-2, 39 KOs), ipinagdiwang ang kanyang ika-40 kaarawan noong Disyembre 17, ang suot niyang WBA welterweight crown laban sa 29-anyos na si Broner (33-3-1, 24 KOs) sa Enero 19 sa MGM Grand Garden sa Las Vegas, Nevada.

Ito ang unang laban ni Pacquiao sa ilalim ng Premier Boxing Champions promotions ni Al Haymon, ang longtime adviser ni Floyd Mayweather Jr.

Alam ni Pacquiao na hindi pipitsuging boksingero si Broner, isang world four-division titlist.

“I want to fight the grea­test fighters and greatest opponents in the world and one of them is Adrien Broner,” ani Pacquiao.

Sakaling manalo kay Broner ay inaasahang maitatakda ang rematch ni Pacquiao kay Floyd Mayweather Jr. na tumalo sa kanya via unanimous decision noong Mayo ng 2015.

Ayon kay Broner, siya muna ang dapat isipin ni Pacquiao at hindi ang muling pakikipagtuos sa 41-anyos na si Maywea­ther.

PACQUIAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with