Nets kinaldag ang Lakers

Nagpipilit lumabas si Brooklyn Nets point guard D’Angelo Russell sa depensa ni La­kers power forward Kyle Kuzma sa aksyong ito.

NEW YORK -- Tumipa si guard D'Angelo Russell ng 22 points at career high-tying 13 assists para banderahan ang Brooklyn Nets sa 115-110 panalo laban sa bisitang Los A­nge­les Lakers.

Dumiretso ang Nets sa kanilang ikaanim na sunod na arangkada.

Nagdagdag si Joe Harris ng 19 points kasunod ang 18 markers ni Spencer Dinwiddie para sa Brooklyn, huling nagposte ng six-game winning run noong March 25 hanggang April 3, 2015.

Nag-ambag si Rondae Hollis-Jefferson ng 17 points habang may 13 markers si Jared Dudley.

Bumangon naman si LeBron James mula sa kanyang lowest-scoring game sa season sa tinapos na 36 points, 13 rebounds at 8 assists sa panig ng Los Angeles.

Naglista si Kyle Kuzma ng 22 points at 11 rebounds samantalang may 23 mar­kers si Lonzo Ball.

Sa Denver, kumolekta si big man Nikola Jokic ng 32 points at 16 rebounds habang nagtala si Jamal Murray ng career-high 15 assists para pamunuan ang Nuggets sa 126-118 paggupo sa Dallas Mavericks.

Pinalawig ng Denver ang kanilang home winning streak sa pito.

Sa hawak na 21-9 record ay pinantayan ng Nuggets ang itinala ng 1976-77 squad para sa kanilang best start sa 30 games sa franchise history.

Nanatili rin sila sa ibabaw ng Western Confe­rence sa percentage points laban sa Golden State Warriors.

Nagdagdag si Murray ng 22 points kasama ang 10 sa fourth quarter.

Humakot naman si rookie guard Luka Doncic ng 23 points at career-best 12 assists sa panig ng Ma­vericks, nakahugot kay Harrison Barnes ng 30 markers.

Sa Atlanta, umiskor si Jeremy Lin ng 12 sa kanyang 16 points sa final period at nalampasan ng Hawks ang iniskor na 29 markers ni Bradley Beal para biguin ang Washington Wizards, 118-110.

Show comments