^

PSN Palaro

Frayna, Fronda laglag sa Top 10

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Frayna, Fronda laglag sa Top 10
Janelle Mae Frayna

MANILA, Philippines — Kapwa nalaglag sa top 10 sina Woman International Master Jan Jodilyn Fronda at Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna makaraang tumabla sa kani-kanilang kalaban sa 7th Asian Continental Chess Championships (Second Manny Pacquiao Cup) noong Martes ng gabi sa Tiara Hotel.

Nakakuha lamang ng tig-limang puntos sina Fronda at Frayna para tumapos sa seven-player logjam sa pang-12th na puwesto.

Matapos ang tie-break, nakuha ni Fronda ang pang-16th overall spot habang si Frayna ay pang-18th sa  nine-round tourney.

Sa huling araw,  tumabla si Fronda kay  third seed IM Guo Qi ng China habang si Frayna ay nakiki­paghati rin ng puntos kay 13th seed  WGM Nguyen Thi Thanh An ng Vietnam. 

Si Woman FIDE Master Allaney Jia Doroy ay tumabla rin kay 11th seed WIM Mobina Alinasab ng Iran at tumapos sa ika-19th spot sa kanyang 4.5 puntos.

Sa kabila ng draw,  nakakuha ang 17-anyos na si Doroy ng 101.6 rating points para madagdagan ang kanyang 1972 ra­ting sa nasabing event na sinusuportahan nina Sen. Manny Pacquiao, Philippine Sports Commission at NCFP president Butch Pichay.

Nagwagi naman si IM Ruot Padmini ng India  laban kay WGM Gong Qianyun ng Singapore  sa tiebreak upang angkinin ang titulo sa women’s division.

Sa men’s division, ang 58-anyos na si IM Ricky de Guzman ay tumabla rin kay GM Abhimanyu Puranik ng India sapat na para ma­ging Filipino best finisher sa pang-23rd spot sa kanyang  limang puntos.

Nakakuha rin ng limang puntos si GM John Paul Gomez matapos tumabla kay dating  women’s world champion GM Tan Zhongyi ng China. Si Gomez ay tumapos sa pang-27th spot pagkaraang ng tie-break.

Tinalo ni  GM Wei Yi ng China si GM Amin Tabatabei ng Iran at Le Quang Liem ng Vietnam sa tie-break para sungkitin ang korona sa men’s division.

JAN JODILYN FRONDA

JANELLE MAE FRAYNA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with