Byrd bagong coach ng La Salle

Pinakamaugong ang pangalan ni American coach Jermaine Byrd na sinasabing nasa top list ng La Salle.

MANILA, Philippines — Sa pagpasok ng Bagong Taon, bagong head coach ang ipaparada ng De La Salle University sa men’s basketball ng UAAP Season 81.

Usap-usapan na ang pagkuha ng mahusay na tactician ng unibersidad kung saan kaliwa’t kanang pangalan ang nagsulputan upang maging kahalili ni outgoing head coach Louie Gonzalez.

Pinakamaugong ang pangalan ni American coach Jermaine Byrd na sinasabing nasa top list ng La Salle.

Malalim ang karanasan ni Byrd na mula sa Houston, Texas. Naglaro ito para sa University of Sioux Falls.

Nagsimula ang kanyang coaching career bilang assistant ng University Of Houston Lady Cougars.

Naging assistant din ito sa Team USA na naglaro sa Pan-Am Games noong 2011.

Nagsilbing mentor si Byrd ng Tulsa 66ers, Sioux Falls Skyforce at LA Defenders sa G-League.

Napaulat na makakasama nito sa coaching staff sina Danny Seigle bilang consultant at  Chappy Callanta bilang strength and conditioning coach.

Maliban kay Byrd, inalok din umano ang puwesto kay Lyceum of the Philippines head coach Topex Robinson ngunit tinanggihan niya ito upang ituon ang sarili sa Lyceum bilang Director of Basketball Operations.

Isa rin si Alab head coach Jimmy Alapag sa mga napipisil ng La Salle ngunit nakasentro ang atensiyon nito sa kampanya ng Beermen sa Asean Basketball League.

Kung matutuloy ang pagpasok ni Byrd, inaasahang magbabalik ang bangis ng Archers matapos mabigong makapasok sa semis sa UAAP Season 80.

Show comments