^

PSN Palaro

Magnolia ihahakbang ang isang paa para sa korona

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Magnolia ihahakbang ang isang paa para sa korona
Sinubukang takasan ni Alaska import Mike Harris ang depensa nina Rafi Reavis at Robert Herndon ng Magnolia sa Game Two.
Kuha ni Joey Mendoza

Laro Ngayon: (Ynares Center, Antipolo City)

6:30 p.m. Magnolia vs Alaska (Finals, Game 3)

MANILA, Philippines — Hindi na naitago ni Alaska coach Alex Compton ang kanyang pagkainis sa ginagawang depensa nina Mag­nolia guards Mark Barroca at Jio Jalalon.

“If you’re karate chopping, pushing somebody, or you’re leaving your foot so you’ll trip a ball handler, it’s a foul,” reklamo ni Compton sa ginagawa nina Barroca at Ja­lalon sa kanyang mga playmakers na sina JVee Casio, Chris Banchero at Simon Encico. “And it’s a big part of the game, and for whatever reason, they didn’t want to call it.”

Bitbit ang malaking 2-0 bentahe, pipilitin ng Hotshots na makalapit sa korona sa pagsagupa sa Aces sa Game Three ngayong alas-6:30 ng gabi sa 2018 PBA Go­vernor’s Cup Finals sa Ynares Center sa Antipolo City.

Tinalo ng Magnolia ang Alaska sa Game One, 100-84, at Game Two, 77-71, para palakasin ang kanilang tsansa sa pagpitas sa ika-14 titulo.

“We’ll stick on playing one game at time, with a mindset that it’s a do-or-die game,” sabi ni Hotshots mentor Chito Victolero, hangad ang kanyang kauna-unahang PBA title bilang head coach, sa kanilang pagharap sa Aces sa best-of-seven championship series.

Sa 43 taon kasaysayan ng liga ay isang koponan la­mang ang nagawang makabangon mula sa 0-3 pagka­kabaon sa serye at ito ay ang San Miguel na binalikan ang Alaska para sa korona ng 2016 Philippine Cup.

Ayon kay Compton, hindi pa tapos ang laban.

“We're gonna keep going and we're gonna keep gro­wing, and that why it's a series,” sabi ni Compton. “I don't think it's over yet.”

Naniniwala naman si import Mike Harris na kailangan lamang nilang manalo para maibalik ang pamatay na porma ng Aces, pinatalsik ang Meralco Bolts, 3-1, sa ka­nilang best-of-five semifinals showdown para maiplantsa ang kanilang title showdown ng Hotshots.

Isa pa sa mga naging problema ng Aces sa serye  ay ang nagawang 25 turnovers sa Game One at 26 errors sa Game Two.

“That's the prime story of the first two games of the series,” ani Compton. “I just think that we better take care of the basketball.”

MAGNOLIA VS ALASKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with